Join BookitisSave favorites, build lists, and follow creators.

Dili't Dilim

Work detail

Bookitis Pick
Cover for Dili't Dilim
DD
Image source: Open Library
Michael M. Coroza1 editions

BLURBS "Pruweba ang koleksiyon ni Mike Coroza kung paanong naiibang tumula ang mga bagong kabataang makata ngayon sa LIRA. Bagaman hindi siya nag-aatubiling maglingkod sa Musa ng Kagalingang Panlipunan, hindi siya nababagahe kapag sumuot sa mga paksaing posibleng ingusan ng naunang henerasyon ng makatang aktibista. Una akong ginitla ng "Putol" ni Mike. Nasa koleksiyong ito kung paanong kinakasangkapan niya ang bait at parikala tungo sa makabuluhan ngunit hindi nakasasawang pagtula." --Virgilio S. Almario (Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan) "The strength of Mike Coroza's poetry lies in the subtlest hints of the lyric combined with wit and wry humor. Nothing high-geared. And the appeal of such poetry, I think, is more lasting." --Ophelia A. Dimalanta "Palaisip pero matalinghaga ang mga tulang nagpapakilala sa makatang Mike Coroza. Nasa maingat na paghuhugpong ng tradisyon ni Abadilla at tradisyon ni Batute ang birtud ng koleksiyong ito. Inaakit tayo, sa pamamagitan ng mga talinghagang hango sa panlipunang kaligiran, na makisalo at makiisa sa mga muni at bait na bunga ng matamang pagmamasid ng makata sa mga tao at pangyayari sa ating panahon. Basahin si Mike Coroza at bantayan ang kanyang pagsikat sa langit-langitan ng ating panulaan!" --Bienvenido L. Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan) "Ang sensibilidad ng makatang si Mike Coroza ay nagtataglay ng parikalang may lakas na nagmumula sa matalim at malalim na paglilimi sa mga penomenong panlipunan at karanasang personal. Madalas na mapanudyo ang kanyang tinig ngunit natural din kung itoý manghaplos at magpaibig. Binibihisan niya ng mga sensuwal na imahen ang mailap na inspirasyon at tayoý mapalad na masaksihan ang kanyang pagtatagumpay sa maselang gawaing ito." --Romulo P. Baquiran Jr.

Overview

Shared work-level identity and catalog context.

1 credited authorSearch language english

Bookitis keeps work pages focused on the shared book identity and the editions that actually belong to it. Unrelated books should not appear here as primary content.

Contributors

People credited with this work in the active catalog.

  • Michael M. Coroza

    Author profile in the active Bookitis catalog

    Open Author

Editions

Publication-specific versions linked to this work only.